Ipino-promote ang Pilipinas sa South Korea bilang pangunahing retirement destination para sa Korean retirees.
Inilalatag ng Philippine Retirement Authority ngayon sa Korean retirees ang magandang klima, murang cost of living, mataas na kalidad ng healthcare, at magandang komunidad sa bansa.
Nagtungo ang mga opisyal ng PRA sa South Korea para sa naturang promotion.
Bukod dito, siniguro din ng PRA na i-promote ang mga benepisyo ng paninirahan ng Korean retirees sa Pilipinas. – Sa panulat ni Roma Molina