Nangunguna na ang Pilipinas bilang pinakamalaking importer ng bigas sa buong mundo ngayong 2019.
Batay ito sa pinahuling ulat ng United States Department of Agriculture – Foreign Agricultural Service (USDA-FAS) kung saan naungusan na ng Pilipinas ang China.
Ayon sa USDA-FAS, malapit nang maabot ng Pilipinas ang pinakamataas na record nito sa pag-aangkat ng bigas na tatlong milyong metriko tonelada.
58% anilang mataas ang rice importation ng Pilipinas ngayong taon kumpara sa 1.9-M metriko toneladang bigas noong 2018.
Isinisisi naman ang biglaang pagtaas ng rice imports ng Pilipinas sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law noong Marso 2019.