Binigo ng Amerika ang Pilipinas dahil nananatiling mahina ang tanggulang pambansa mula sa banta ng pananakop sa West Philippine Sea.
Ito ang matapang na pahayag ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay bilang depensa sa mga birada ng Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng Amerika.
Sinabi ni Yasay, hindi nagawang ipagtanggol at bigyang katiyakan ng Amerika ang Pilipinas na protektahan ito upang igiit ang soberenya sa pinag-aagawang teritoryo kahit pa magkaalyado ang dalawang bansa.
Giit ni Yasay, isang pagkakataon sa Pilipinas na harapin ang banta ng seguridad nang mag-isa, dahilan kaya’t malamig ang pakikitungo ng Pangulo sa tinaguriang super power ng mundo.
Masyado na rin aniyang naka-depende ang Pilipinas sa Amerika kahit pa nakuha na nito ang independensya o kalayaan mula sa pananakop nito noong 1946.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco (Patrol 25)