Bumagsak sa ika-147 pwesto ang Pilipinas sa kabuuang 180 bansa para sa World Press Freedom Index.
Batay sa assessment ng Global Press Watchdog na Reporters Without Borders (RSF), lumala ang pag-atake sa media sa Pilipinas sa nakalipas na anim na taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Partikular na pinuna ng RSF ang pagiging ‘deadliest countries for journalist’ ng Pilipinas dahil sa media killings sa panahon ni Pangulong Duterte kung saan 33 mamamahayag ang pinatay noong 2021.
Noong nakaraang taon, nasa 138 pwesto ang Pilipinas sa World Press Freedom Index.