Dumipensa ang Department of Health (DOH) sa pagpasok ng Pilipinas sa 20 bansa sa mundo na may pinakamataas na kaso ng COVID-19.
Ito’y batay sa inilabas na listahan ng prestihiyosong John Hopkins University na nakabase sa Amerika.
Ayon kay DOH Usec. Ma. Rosario Vergeire, dapat tingnan ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 kaysa sa cumulative o kabuuang kaso nito sa buong bansa.
Iginiit ni Vergeire na malaki na aniya ang pinagbuti ng Pilipinas sa pagtugon nito sa virus bukod pa sa pinalakas na contact tracing ng iba’t-ibang lokal na pamahalaan.
Nilinaw ni Vergeire na nasa 80% na ang recovery rate sa bansa habang kaunti na lang ang mga naitatalang paggalaw sa fatality rate o iyong bilang ng mga nasasawi.