Dapat maging handa ang Pilipinas anuman ang maging desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa reklamo ng bansa laban sa China sa isyu ng West Philippine Sea.
Sinabi sa DWIZ ni Kabayan Partylist Representative Harry Roque na hindi tamang magpadala sa kung anu-anong haka dahil hindi malalaman ang tunay na desisyon hanggat hindi ito opisyal na ibaba ng International Court sa July 12.
“Hanggat hindi lumabas ang desisyon, hindi talaga natin alam kung paano nag-rule ang Tribunal, bagamat napakaliit po kasi ng The Hague, parang UP campus lang siguro ang The Hague na yan at maraming mga bata na nagtatrabaho diyan sa Permanent Court of Arbitration na sigurong pinagmumulan ng mga haka-hakang yan. Pero sa akin po, huwag muna tayong makinig sa kahit na anong haka-haka, kinakailangan na maging handa tayo kahit anuman ang maging desisyon desisyon, huwag tayong umasa na panalo tayo, huwag tayong umasa na talo tayo, dapat palaging handa.” Pahayag ni Roque.
By Judith Larino | Karambola