Dapat muling dumulog ang Pilipinas sa International Arbitral Tribunal sa The Hague, Netherlands upang maghain ng panibagong protesta laban sa China.
Ito’y ayon kay Supreme Court Acting Chief Justice antonio Carpio ay kasunod ng kumpirmasyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na sinira na ng China ang mga likas yamang nasa loob ng Scarborough o Panatag Shoal.
Ayon kay Carpio, malinaw na nilabag ng China ang kanilang obligasyon sa United Nations Convention on the Law of the Sea na panatilihin at protektahan ang mga yaman ng karagatan.
Nakapaloob aniya ang unang paglabag ng China sa July 12, 2016 ruling ng International Arbitral Court kung saan, hindi pinagbawalan ng Tsina ang kanilang mga mangingisda nang ubusin ng mga iyon ang giant clams at sirain ang coral reef sa loob ng bahura.
Dahil dito, binigyang diin ni Carpio na kabilang sa Philippine Contingent sa The Hague na dapat humingi ng danyos ang Pilipinas sa China dahil sa ginawang paglapastangan nito sa mga yamang dagat ng bansa.