Dapat ipino-protesta ng Pilipinas ang lahat ng mga hindi katanggap-tanggap na ginagawa ng China sa West Philippine Sea.
Ayon ito kay Professor Jay Batongbacal, Director Ng Institute Of Maritime Affairs and Law of the Sea ng University of the Philippines kasunod nang isinampang dalawang protesta ng bansa laban sa China.
Sinabi ni batongbacal na sinasadya ng China ang mga ganitong hakbangin para ipakita ang paninindigan nilang pag aari nila ang mga nasabing lugar sa West Philippine Sea.
Makakatulong ang diplomatic protests sakaling magkaruon ng legal resolutions o negosasyon sa mga susunod na panahon dahil magsisilbi itong ebidensya na talagang kinokontra ng bansa ang mga hakbangin ng China.