Iginiit ni dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, na dapat maging neutral o walang pinapanigan ang Pilipinas kaugnay sa isyu ng China at US.
Ayon kay Atty. Panelo, kung nais na maging “friends to all, enemy to none” ng bansa, kailangang maipakita na walang kinakampihan ang Pilipinas.
Posible kasing madamay ang Pilipinas sa away ng dalawang bansa kung saan, maaring atakihin ng China ang mga EDCA sites na itinayo ng US sa bansa.
Sinabi pa ni Atty. Panelo, na maaring mapaikli ang kontrata at mapatanggal ang mga military bases sa bansa.
Sa kabila nito, binigyang diin ng Atty. Panelo na tataas ang antas ng ekonomiya dahil sa makukuhang benipisyo mula sa mga lugar na tatayuan ng EDCA.