Dapat maglaan ang Pilipinas ng 22.8 bilyong pisong pondo para sa cybersecurity defense simula noong 2017 hanggang 2022.
Ito ang rekomendasyon ng global management consulting firm na AT Kearney batay sa isinagawa nilang pag-aaral.
Batay sa pag-aaral ng AT Kearney na tinawag na ‘Cybersecurity in ASEAN: An Urgent Call to Action” at kinomisyon ng Cisco Systems Incorporated, dapat mag-invest ang Pilipinas ng hanggang 8.8 bilyong dolyar sa cybersecurity simula 2025 upang makasabay sa US, UK at Germany.
Noong isang taon, umabot lamang sa 0.04% ng gross domestic product sa cybersecurity ang ginastos ng Pilipinas.
Dapat na anilang pagtuunan ng Pilipinas ang cybersecurity lalo’t dumarami ang mga insidente ng cyber-attack sa mga government website maging ng mga nasa private sector.