Dapat tiyakin ng pamahalaan na available ang lahat ng brand ng mga bakuna kontra COVID-19 upang magkaroon ng pagpipilian ang taumbayan.
Ito ang iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na nagsabing kung pagbabatayan ang common sense ay mas tataas ang bilang ng mga magpapabakuna kung maraming mapagpipilian.
Karamihan sa mga available na bakuna sa ngayon ay ang Sinovac mula sa China habang patuloy na dumarating sa bansa ang mga biniling bakuna tulad ng Astrazeneca, Pfizer at Moderna ng Amerika gayundin ang Sputnik V ng Russia.
Una rito, hinimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pamahalaan na gawing prayoridad sa pagbili ng mga bakuna ang may mataas na efficacy rate at dapat ay walang price tag dahil buhay at kaligtasan ng publiko ang nakataya.