Dapat nang magpasaklolo sa mga karatig bansa ang Pilipinas para tuluyang mapulbos ang international terror group na ISIS.
Ito ang pahayag ni Senador Panfilo Ping Lacson kasunod ng pagsisiwalat ng defense minister ng Indonesia na nasa 1200 na ang mga elemento ng Islamic state sa Pilipinas.
Ayon kay Lacson, malaki ang pangangailangan para makipagtulungan ang Pilipinas sa iba pang mga bansa sa asya gayundin sa European Union at sa Estados Unidos.
Sa panahon aniya ngayong umiiral na ang modernong teknolohiya, mabilis nang makapagpapalitan ng mga intelligence information ang bawat bansa upang mahusay na malabanan ang terorismo.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno