Nagbigay na ng hudyat ang Department of Finance para sa posibilidad ng pag-aangkat ng karagdagang bigas matapos ang pinsalang dulot ng bagyong lando sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, dapat ng mag-angkat ang bansa upang mapalitan ang mga nasirang palay ng mga magsasakang naapektuhan ng kalamidad partikular sa Northern at Central Luzon.
Inaasahan din anyang bababa ng 4 percent ang rice production sa huling bahagi ng taon dahil sa pinsalang dulot ng bagyo at epekto ng El Niño phenomenon.
Sa pagtaya ng Department of Agriculture, nasa 360,000 metric tons ng palay ang nasira o katumbas ng 234,000 metric tons ng bigas sa 7 araw na konsumo.
Nangangamba ang DOF na bumaba ang rice buffer stock o kapusin hanggang Nobyembre kung hindi mapapalitan ang mga nasirang bigas.
By: Drew Nacino