Dapat nang maghanda ang bansa sakaling atakihin din ng China ang bansang Taiwan kasunod ng ginawang pag-atake ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay De La Salle University International Studies Professor Renato De Castro, ang ginawang pag-atake ng Russia ay posibleng mag-udyok sa China na tuluyan nang kontrolin ang Taiwan.
Paliwanag nito, posibleng makaapekto ito sa bansa dahil maraming Pilipino ang kasalukuyang nagta-trabaho sa Taiwan.
\Giit nito, dapat na paghandaan ito ng gobyerno ng bansa at magkaroon ng sariling national security strategy.
Matatandaang magkaalyado ang bansang russia at china kung saan suportado ng China ang ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine. - sa panulat ni Abie Aliño-Angeles