Mas pabor ang Department of Health na manatili ang bansa sa ilalim ng Alert level 2 sa Enero 2022 dahil sa pangambang dulot ng Omicron variant.
Inihayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ang kanilang rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force.
Ayon kay Vergeire, maraming lugar ang maaari nang ilagay sa pinakamababang Alert level pero kung ang kagawaran ang tatanungin ay dapat pa ring mag-ingat upang maiwasan ang pagpasok ng Omicron sa mga komunidad.
Handa naman anya ang healthcare system sakaling kumalat ang bagong variant ng COVID-19 sa bansa dahil sa mas pinaigting na ang paglaban sa virus at mataas na vaccination rate. —sa panulat ni Drew Nacino