Walang nakikitang dahilan ang gobyerno para maghain ng protesta laban sa China hinggil sa paglalagay nito ng mga nuclear bomber aircraft sa Woody Island na sakop ng pinagtatalunang Paracel Islands sa South China Sea.
Ito’y ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ay dahil sa hindi naman bahagi ng inaangking teritoryo ng Pilipinas ang naturang isla at wala rin aniya itong direktang banta sa bansa.
Sa pagdinig ng Kamara kahapon kaugnay ng territorial dispute sa West Philippine Sea, binigyang diin ni Esperon na wala namang digmaan sa pagitan ng Pilipinas at China gayundin ASEAN Region.
Subalit sa panig naman ng Department of Foreign Affairs o DFA, sinabi ni Secretary Alan Peter Cayetano na may ginagawa naman silang hakbang para igiit ang claim ng Pilipinas sa mga pinagtatalunang teritoryo.
—-