Naniniwala si Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi na kakayanin pa ng pamahalaan na muling sumailalim sa hard lockdown sa gitna ng pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang pahayag, sinabi ni Bello na kung muling ipatutupad ang mahigpit na lockdown sa bansa ay mas palalalain nito ang unemployment o ‘yung bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.
Mababatid na ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nadagdagan ang bilang ng mga unemployed sa bansa sa 1.6-milyong katao.
Kung kaya’t paaalala ni Bello sa publiko, sundin ang umiiral na health protocols kontra COVID-19.