Hindi na makaiiwas sa economic recession ang Pilipinas.
Ayon kay Bangko Sentral Governor Benjamin Diokno, mula sa -.02% na gross domestic product (GDP) sa unang tatlong buwan ng 2020, mas matinding lagapak ang nakikita nya sa ekonomiya na bansa mula Abril, Mayo at Hunyo.
Ayon kay Diokno, batay sa kanilang pagtaya, posibleng umurong pa ng -5.7% hangang -6.7% ang GDP ng bansa nitong second quarter.
Nauuwi sa recession ang ekonomiya ng isang bansa kapag nakaranas ito ng magkasunod na GDP contraction.
Huling nakaranas ng pag-urong ng GDP ang Pilipinas noong 1998 na -0.5% sa kasagsagan ng Asian financial crisis.