Nanindigan ang Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na tatanggap pa ng mga segundamanong military equipment ang Pilipinas mula sa Estados Unidos at maging sa iba pang bansa.
Ayon sa Pangulo, nais niyang mga brand new na military equipment ang magamit ng mga sundalo kahit pa aniya mapamahal ito sa pagbili.
Sinabi ng Pangulo, pagkukunan niya ng mga brand new firearms ang dalawang bansang hindi naman nito pinangalanan.
Ngunit matatandaang pinakamalapit ngayon ang Pilipinas sa mga bansang Russia at China.
Samantala, sa kabila ng pagtabla ni Pangulong Duterte ay nakatakdang i-turn over ng pamahalaan ng Amerika sa Philippine Marines ang ilang mga kagamitang pandigma.
Ito’y para makatulong sa kampaniya ng pamahalaan kontra terorismo sa harap na rin ng nangyayaring bakbakan ngayon sa Marawi City.
Kabilang sa mga ibibigay na kagamitan sa Marines ay ang tatlongdaang (300) M4 carbines, dalawandaang (200) glock 21 pistols, dalawampu’t limang (25) rubber boats, isandaang (100) M203 granade launchers, tatlumpung (30) outboard motors at apat (4) na M134d gatling-style machine guns.
Ayon kay Capt. Ryan Lacuesta, tagapagsalita ng Marines, malaki ang maitutulong ng mga bagong kagamitan para palakasin ang kanilang kakayahan na labanan ang terorismo.
By Ralph Obina / Jaymark Dagala
Pilipinas di na tatanggap ng secondhand military equipment was last modified: June 3rd, 2017 by DWIZ 882