Nanindigan ang Malacañang na hindi makikialam ang Pilipinas sa iringan ng Amerika at China hinggil sa pagtaboy ng Chinese Navy sa isang US military plane sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, hindi naman tuwirang sangkot ang Pilipinas sa palitan ng pahayag ng dalawang bansa bagkus ang hangad lamang naman ng gobyerno ay humupa ang tensyon kaya’t nananatili ang focus ng bansa sa diplomatikong paraan ng pagresolba sa issue.
Ipinaalala din ni Coloma ang pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino na patuloy na tatalima ang Pilipinas sa dalawang lines of action, kabilang ang two-track approach sa pamamagitan ng arbitration at ang ikalawa ay ASEAN centrality.
Nakatutok naman aniya ang ASEAN centrality sa pagbuo ng isang legally binding code of conduct.
By Avee Devierte