Pinag-aaralan na ng gobyerno na gumawa ng sariling agricultural machineries na tutulong para mapa-unlad ang mga kagamitan at pasilidad ng mga magsasaka sa bawat lalawigan sa bansa.
Ayon sa Philippine Center for Postharvest Development and mechanization o PHILMECH ng DA, sinisimulan na nila ang pagpapatayo ng mga agricultural machinery design and prototyping center kung saan, gagawin ang mga makinarya sa tulong ng Korea International Cooperation Agency.
Kumpiyansa si PHILMECH Director IV Dr. Dionisio Alvindia, na mas matutulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng sarili at de-kalidad na kagamitan na mas mura at mabilis magpaparami sa kanilang mga produkto.
Makapagbibigay din ito ng pag-asa tungo sa abot-kayang halaga ng mga produktong pang-agrikultura.
Bukod pa dito, lilikha din ito ng mas marami pang trabaho upang hindi na mangibang bansa ang ating mga kababayan.