Habang-buhay nang mag-aangkat ng bigas ang Pilipinas mula sa mga karatig-bansa.
Ito ang inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 1st National Assembly ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa Pasay City.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakaapekto sa produksyon ng bigas ang peace and food security lalo’t naka-depende sa agricultural production ng Mindanao ang self-sufficiency ng bansa sa pagkain.
“Karamihan sa Mindanao is dedicated already to cash-crop. Ibig sabihin, planted to pineapple, banana, and everything pati mangga ngayon, it’s so popular, in demand… ang lupa wala nang nagtatanim ng palay maybe pati ‘yung corn.” Ani Pangulong Duterte
Unti-unti na aniyang nauubos ang nagtatanim ng palay dahil lumipat na ang mga ito sa ibang pananim o natatakot na magsaka dahil sa karahasan sa Mindanao.
“We have to find peace to develop the land for our survival… sa Mindanao, mainly is that you have the MILF (Moro Islamic Liberation Front) and I thank Allah by his grace for giving us the Bangsamoro Law.”
Samantala, kinalampag naman ng Pangulo si Agriculture Secretary Manny Piñol.
“My father is a Visayan from Cebu ang kinakain talaga namin is mais, we can go as far into the night, matagal kang gutumin. Mais kami, we do not have that anymore and becaus ethere is trouble all available peaceful lands, yung may law and order or at least some blands of it okay tayo, banana and the usual pero kung sabihin mo na you expect the Philippines to be rice sufficient for the next ten years, ..saan si Piñol andito? Linti na Piñol nasaad, nasaad na, hindi dadating ‘yun.” Pahayag ng Pangulo
Hindi naman sang-ayon si Agriculture Secretary Manny Piñol sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na habang-buhay nang mag-aangkat ng bigas ang Pilipinas.
Nagtataka si Piñol kung saan nakuha ni Pangulong Duterte ang impormasyon.
Sa katunayan aniya ay lumalago pa ang rice industry ng bansa.
“Inaccurate ‘yung ibinigay sa kanyang info sapagkat ang totoo niyan ang rice industry in the Philippines has been growing at the rate of 3.5 percent per year, actually ang sinabi niya hindi raw natin ma-a-achieve ‘yung rice sufficiency, sinabi ko rin sa kanya ‘yan eh, ang sabi ko actually Sir maski i-implement natin sa programa na ito, the longest that we can actually achieve rice sufficiency would be 1-2 years sapagkat aabutan tayo ng population growth.” Ani Piñol
Samantala, itinanggi ng kalihim na magbibitiw o sisibakin siya sa puwesto.
“Hayaan mo na sila kapag sinabi ni Presidente na umalis na ako eh di alis, siguro kasi nabanggit lang ni Presidente Duterte ‘yung rice issue kaya hinanap ako, but let me clarify I was not asked to be present in that event, obviously talagang may grupo na ayaw ako na kapag may mga statement na ganun si Presidente ay ini-interpret agad nila na signal.” Pahayag ni Piñol
(Ratsada Balita Interview)