Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahandaan ng Pilipinas na yakapin ang artificial intelligence o AI habang inanyayahan niya ang mga kumpanya ng technology companies at venture capitalists na maging katuwang ng bansa patungo sa new technological revolution.
Sa isang roundtable meeting kasama ang mga privarte company, investor at venture capitalist sa sektor ng teknolohiya, sinabi ni Pangulong Marcos na kasalukuyang tinatanggap ng Pilipinas ang AI revolution upang dagdagan ang mga umiiral na kakayahan ng mga pilipino, pataasin ang produktibidad ng mga negosyo, at pahusayin ang competitiveness ng ekonomiya.
Binigyang-diin din ng pangulo na ginawang madali ng pamahalaan ng pilipinas ang mga dayuhang mamumuhunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo sa pananalapi at pagtataguyod ng kadalian sa paggawa ng negosyo.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagtitipon kasama ang mga negosyante ay isang mahalagang okasyon habang ang ekonomiya ng pilipinas ay nagdiriwang ng isang milestone, na minarkahan ang pinakamataas na rate ng paglago nito mula noong 1976 na may 7.6 porsiyentong pagtaas sa gross domestic product ng bansa noong 2022.
Idinagdag ng pangulo na ang kalagayang pang-ekonomiya ng pilipinas, na sinamahan ng $9.2 bilyon dolyar sa foreign direct investments noong nakaraang taon, ay “Nagsasalaysay ng isang kuwento ng katatagan ng ekonomiya at dynamism.