Handa na ang Pilipinas na makipagsabayan sa ibang bansa at sa buong mundo pagdating sa artificial Intelliegence (AI).
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Junior matapos pangunahan ang pormal na pagbubukas ng tinaguriang kauna-unahang A.I. ready na Hyperscale Data Center, na Vitro Santa Rosa.
Sinabi ng Pangulo, na ang pagbubukas ng bagong pasilidad ay indikasyon din na kayang makipagsabayan ng pilipinas sa ibang bansa pagdating sa data processing.
Gayundin ang pagpapahalaga ng bansa sa “people-centered” Na hinaharap, kung saan inaasahan ang kapit-bisig na koneksyon ng teknolohiya at mga tao.
Ayon kay PBBM, kasing-halaga ng tubig at kuryente ang mga datos kaya kailangan ng isang pasilidad tulad ng vitro para matiyak na protektado ang mahahalaga at sensitibong datos ng pribado, maging ng pampublikong sektor.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)