Tiniyak ng Palasyo na nakahanda ang Pilipinas sa anumang posibilidad sa gitna ng nagbabadyang digmaan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, nakalatag na ang lahat ng contigencies sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Umaasa anya ang gobyerno ng Pilipinas na mananaig pa rin ang kapayapaan sa Eastern Europe.
Una nang nagpadala ang DFA ng consular team sa lungsod ng Lviv, Ukraine upang sumaklolo sa mga Filipino na maaaring maapektuhan ng kaguluhan.