Handa ang Pilipinas na makakuha ng sobrang bakuna kontra COVID-19 mula sa Canada para mapalakas ang local supply nito.
Ayon kay Philippine Ambassador to Canada Rodolfo Robles nakapila na ang bansa sa mga interesadong makakuha ng nasa 100 million doses ang inaasahang surplus o sobrang bakuna ng Canada kaya’t asahan nang fully vaccinated na ang lahat sa kalagitnaan ng fourth quarter ng 2021.
Nakatutok aniya siya sa posibilidad na makakuha ang Pilipinas ng sobrang COVID -19 vaccine mula sa Canada.
Kasabay nito ipinabatid ni Robles sa Medicago, isang canadian pharmaceutical company na magtayo ng vaccine manufacturing plant sa Pilipinas partikular sa lalawigan ng Bulacan at nagbigay na aniya siya ng lahat ng perks at benepisyo tulad ng libreng buwis at capital importations.
Inaasahan aniya niyang mabilis na tatakbo ang negosasyon hinggil dito kapag nalagdaan na ng gobyerno ng Pilipinas ang non-disclosure agreement na pinapipirmahan ng Medicago.