Handa ang Australia at China na ibahagi ang sobrang suplay nila ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa lingguhang ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ng mga miyembro ng inter-agency task force.
Ayon kay Galvez, higit pa sa populasyon ng mga naturang bansa ang nabili nilang mga bakuna kontra COVID-19, kaya payag ang mga ito na ibahagi ang sobra nilang suplay.
Sinabi Galvez, nagpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga naturang bansa.