Nakahanda ang Pilipinas na muling magpatupad ng deployment ban sa Kuwait.
Sa harap ito ng panibagong paglabag na nangyari sa pinasok nilang kasunduan sa Kuwaiti government para sa proteksyon ng mga overseas filipino workers (OFWs).
Tinukoy ni Labor secretary Silvestre Bello III ang di umano’y panggagahasa ng isang pulis ng Kuwait sa isang OFW.
Kapag nakita natin na hindi nabibigyan ng sapat na proteksyon at paggalang sa ating mga kababayan, ‘yun ga, deployment ban is always an option. Ikaw ba naman pag linapastangan ‘yung kababayan mo, hindi lang minsan o dalawa, ibang bagay na ‘yan. There will be no reason for us to maintain good labor relation pagka gano’n,” paliwanang ni Bello.
Ayon kay Bello, inatasan na nya ang labor attache’ ng Pilipinas sa Kuwait para tutukan ang kaso ng pinagsamantalahang OFW.
Binabantayan na anya ang imbestigasyon na isinasagawa ng Kuwaiti police sa suspek ngayon ay nasa kanila nang kustodiya.
…we will wait for the result of the investigation and I hope you will understand that just like what our president has been insisting, no injustice should be done committed over our overseas workers. So, I made it very clear to him na kung hindi gagawa ng tamang paraan sa nangyari sa ating kababayan, ‘yon, I mentioned that deployment ban is an option,” dagdag pa ni Bello.
Ratsada Balita Interview