Patuloy na tinatalakay ng pamahalaan ng Pilipinas at Indonesia ang mga kondisyon para sa pagpapauwi kay Mary Jane Veloso sa bansa.
Sa isang joint statement, sinabi ng Department of Justice at Department of Foreign Affairs na handang tumalima ang Pilipinas sa mga kundisyong itatakda ng pamahalaan ng Indonesia sa kaso ng naturang pinay.
Binigyang diin pa ng dalawang ahensya na obligadong kilalanin at sundin ng pamahalaan ang anumang mapagkakasunduang kondisyon.
Gayunman, hindi anila saklaw dito ang parusang kamatayan laban kay Veloso, dahil ipinagbabawal ito sa batas ng Pilipinas.