Handa ang Pilipinas na tumanggap ng refugees mula sa Afghanistan matapos na kontrolin ng Taliban ang nasabing bansa.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque dahil matagal nang mayroong jurisprudence o legal system ang bansa bago pa man mabuo ang convention hinggil sa pag welcome ng mga refugees bilang asylum seekers.
Sinabi pa ni Roque na batay din sa pahayag ng Korte Suprema, hindi magdadalawang isip ang Pilipinas na tanggapin ang mga indibidwal na lumalayas sa kanilang mga bansa dahil sa takot na ma-harass.
Nasa alert level 4 na ang sitwasyon sa Afghanistan nangangahulugang mandatory na ang evacuation.
Una nang nanawagan ang gobyerno sa 170 pinoys sa Afghanistan na mag-avail sa repatration para na rin sa kanilang kaligtasan.