Tinabla ng Malacañang ang hirit ng China na iatras na ang arbitration case na sinampa sa UN Arbitral Tribunal kaugnay sa panghihimasok sa mga isla sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Presidential Sonny Coloma, walang pagbabago sa posisyon ng gobyerno hinggil sa rules at mapayapang resolusyon sa pagtukoy kung sino ang dapat na may teritoryo sa mga isla sa West Philippine Sea.
Determinado, aniya, ang Pilipinas na isulong ang arbitration case sa paniwalang nasa tamang katwiran ang gobyerno.
Kasalukuyan pa ring nasa The Hague sa The Netherlands ang ilang miyembro ng Philippine team na dumalo sa pagdinig at nagtanggol sa karapatan ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinabi pa ni Coloma, determinado ang Pilipinas na tapusin ang kaso dahil malinawa ang layunin na mabigyan ng ruling upang mabigyan ng sustansya ang mga nilalaman ng United Nations Convention on the Law of the Sea kung saan ang Pilipinas ay isa sa mga bansang signatory ng kaso.
By Avee Devierte | Aileen Taliping (Patrol 23)