“Hindi kakayanin ng Pilipinas na makipag-digmaan sa China.”
Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ilang araw kahit tiniyak ng US na poprotektahan nito ang Pilipinas sakaling sumiklab ang kaguluhan sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng land ownership certificate sa Negros Occidental, inihayag ni Pangulong Duterte na tiyak na mauubos ang ating mga sundalo kung gi-giyerahin ng Tsina ang Pilipinas.
Kulang din aniya ang pondo ng Pilipinas sa pagbili ng mga armas dahil pinakamalaking bahagi ng national budget ay inilalaan sa edukasyon.
—-