Hindi sasali ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa anumang naval drills na ikakasa sa West Philippine Sea.
Ito’y ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana bilang pagsunod sa inilabas na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Lorenzana, ayaw aniya ng pangulo na magkaroon ng miscalculations at maging sanhi pa ng tensyon sa pinagtatalunang karagatan.
Magugunitang binatikos si Pangulong Duterte nang sabihin nitong inutil siya sa pagresolba sa sigalot sa pagitan ng China at Pilipinas hinggil sa territorial dispute.
Gayunman, sinabi ni Lorenzana na bagama’t ayaw ng pangulo na makilahok ang Pilipinas sa mga navy excercises sa West Philippine Sea, maaari pa rin silang magsagawa ng pagsasanay kung ito’y pasok naman sa 12 mile distance mula sa baybayin ng bansa.