Malabong mangyari sa Pilipinas ang naganap sa Hong Kong na biglaang pagsirit ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Department of Health (DOH) undersecretary Myrna Cabotaje na iba ang ginawang pagtugon ng Pilipinas sa Hong Kong.
Sa Hong Kong kasi aniya, mas tinutukan ang pagkakaroon ng border control kaysa sa pagbabakuna.
Iba ito sa paraang ginawa ng Pilipinas kung saan mahigpit na ipinapatupad ang pagbabakuna, upang maging ligtas ang lahat sa pagkahawa sa virus.—sa panulat ni Abby Malanday