Hindi matutulad ang Pilipinas sa sitwasyon ng India.
Ito ay ayon kay treatment czar at health Usec. Leopoldo Vega, na hindi mararanasan ng bansa ang sitwasyon ngayon sa india kung saan marami ang tinamaan at nasawi dahil sa COVID-19.
Dagdag ni Vega, ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang matugunan ang pangangailangan ng taumbayan.
Sa katunayan aniya ay naging maagap sa pagsasailalim sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa upang mapigilan ang pagsirit ng COVID-19 delta variant.
Ipinabatid pa ni Vega na napataas na rin ang bilang ng Intensive Care Unit (ICU) mula 700 naiangat ito sa mahigit isang-libo gayundin ang mga isolation beds na gagamitin para sa mga tatamaan ng severe cases.
Ani Vega, mag-e-expand din sila ng ICU sa mga level 3 hospitals na makatutulong para matugunan ang pagtaas ng kaso sanhi ng COVID-19 delta variant.
Samantala, pinaalalahanan ni Vega ang publiko na sumunod sa ipinapatupad na health and safety protocols at magpabakuna na kontra COVID-19.