Nananatiling matatag ang pananalapi ng Pilipinas sa harap na rin ng malikot na inflation o presyuhan ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Ito’y ayon sa BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas kaya’t nagpasya ang monetary board na huwag munang magpatupad ng pagtataas ng interest rates.
Ayon kay BSP Governor Amando Tetangco Jr., wala silang nakikitang dahilan para mag-adjust ng interest rate ang Pilipinas kahit pa ipinatupad ng Amerika ang ikalawang rate hike nito noong isang linggo.
Giit ni Tetangco, wala namang naging paggalaw sa reserve requirement ratio na nasa dalawampung (20) porsyento bunsod na rin ng kawalang pagbabago sa inflation rate ng Pilipinas.
By Jaymark Dagala