Hindi nakikita ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na kailangang isailalim ang Pilipinas sa isang taong state of calamity dahil sa pananalasa ng bagyong paeng.
Sa kabila ito ng pag-aatas ng pangulo sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na gumawa ng draft resolution para sa deklarasyon.
Sa post-disaster briefing ngayong araw matapos pangunahan ng pangulo ang pamamahagi ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo sa Noveleta, Cavite, sinabi nito na naging konklusyon niya ang pahayag matapos makipagpulong sa mga opisyal ng DENR.
Hindi aniya gaanong kalawak ang sinakop ng pananalasa bagyo na sumira partikular sa Quezon, Cavite at Maguindanao.