Hindi na makikiisa sa mga climate change conferences ang Pilipinas.
Ayon ito kay Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin lalo na kung kailangang mag biyahe abroad.
Sinabi ni Locsin na boboto na lang ng “yes” ang Pilipinas sa aniya’y radical proposals sa usapin ng climate change at hindi na makikiisa pa sa mga pulong.
Una nang kinuwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rationale o katuwiran sa paglahok sa mga international talk hinggil sa climate change dahil wala naman aniyang entity na magpapatupad ng mga batas para protektahan ang usapin ng klima.