Hindi na sasali ang national team ng Pilipinas sa basketball tournament para sa 2018 Asian Games.
Ito ang inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP kasunod ng naganap na gulo sa laro ng Pilipinas at Australia sa FIBA World Cup Qualifiers noong July 2, 2018.
Batay sa inilabas na statement ng SBP, napagdesisyunan nilang i-withdraw ang torneo sa Asian Games para maghanda sa pag-apela kaugnay sa naging desisyon ng FIBA Disciplinary Panel.
Magkakaroon din umano ng regrouping ng organisasyon para naman isalang sa mga nalalapit na laban tulad ng pagpapatuloy ng FIBA World Cup Qualifiers at 2023 FIBA Basketball World Cup.
Kasabay nito, humingi ng paumanhin at nagpasalamat ang SBP sa lahat ng sumuporta sa kanila at tiniyak na sa kanilang pagbabalik ay mas magiging maayos na ang performance ng kanilang koponan.
—-