Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi pa handa ang Pilipinas pagdating sa “Same-Sex Marriage”.
Tugon ito ni Remulla sa rekomendasyon ng ilang United Nations Human Rights Council Members na gawing ligal ang Abortion, Divorce at isabatas ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression Equality Bill.
Ayon sa Kalihim, hindi pa handa ang kultura at magiging taliwas sa kultura ng mga Filipino ang inirerekomenda ng nasabing konseho ng U.N.
Itinuro naman ni Remulla ang Kongreso na maaaring magpasa ng batas hinggil dito at magiging polisiya na ng bansa kung tatanggapin ito o hindi.
Samantala, iginiit ni Justice Undersecretary Raul Vasquez dapat lang ibasura ang rekomendasyon ng mga U.N. Council Member dahil sa national identity, relihiyosong paniniwala at kultural na tradisyon ng Pilipinas.