Wala pang planong magpatupad ng travel ban ang Pilipinas sa Iran sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nasabing bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, batay sa pag-aaral ng Inter Agency Task Force wala pang pangangailangan sa ngayon para magpatupad ng travel ban.
Una aniya ay dahil kakaunti naman ang bilang ng bumabyahe patungo sa nasabing bansa.
Dahil dito aniya mababa rin ang tyansa na may makapagdala ng virus mula sa Iran.
Gayunman sinabi ni Duque na maaari pa itong magbago depende sa sitwasyon sa Iran.