Hindi pa naabot ng Pilipinas ang “peak” ng pagsirit ng COVID-19 cases ayon sa DOH.
Ito’y taliwas sa naunang pahayag ng OCTA Research kung saan naniniwala ang grupo na naabot na ng bansa ang pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 matapos makapagtala ng weekly negative growth rate sa unang pagkakataon mula nuong Mayo.
Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa kanilang pagaanalisa sa sitwasyon, tuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.
Paliwanag ni Vergeire, kapag sinabing “peak”, naitala na ang pinaka mataas na bilang ng kaso at may pagbaba nang nakikita sa bilang, ngunit sa ngayon ay hindi pa aniya ito nararamdaman.
Posible umanong maabot ng Pilipinas ang peak sa October ngunit posibleng aniya itong maiwasan kung mas mag-iimprove pa ang COVID-19 response.