Inihayag ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na hindi pa napapanahong alisin ang state of public health emergency sa bansa sa kabila ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay David, mayroong mga subvariant na lumutang at dapat na malaman muna kung ano ang magiging epekto ng mga ito sa tao.
Aniya, dapat hintayin din muna kung tataas pa o tuluya pang bababa ang mga kaso ng COVID -19 bago pag-usapan ng hirit na pag-alis sa state of public health emergency.
Samantala, binigyang diin din ni David na hindi dapat na magmadali ang publiko dahil nananatili ang banta ng COVID-19 lalo na są paglutang ng bagong subvariants.