Hindi pa tuluyang nalalampasan ng Pilipinas ang crisis stage sa COVID-19 pandemic.
Ito ang nilinaw ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kasunod ng unang pahayag na nalagpasan na ng bansa ang pandemya.
Sa panayam sa DWIZ, ipinaliwanag nito na tanging sa epekto ng omicron variant nakabangon ang pilipinas at hindi sa COVID-19.
Posible kasing magkaroon pa ng mas maraming variant na mabubuo at magdudulot ng panibagong hawaan sa ating bansa.
Sa huling tala, bumuti na ang two-week growth rate, Average Daily Attack Rate (ADAR) at healthcare utilization ng bansa. – sa panulat ni Abigail Malanday