Aminado si dating Senate President Aquilino “nene” Pimentel na hindi pa handa ang Pilipinas sa Pederalismo kahit pursigido ang Duterte Administration na isulong ang pagbabago ng sistema ng gobyerno.
Ayon kay Pimentel, kailangang ipaliwanag ng maigi sa mga Filipino ang Pederalismo upang higit na maunawaan ang mabuting idudulot nito sa bansa.
Mahalaga anya ang pagsasagawa ng forum at konsultasyon sa lahat ng panig ng Pilipinas upang ipaabot sa kabatiran ng mga mamamayan na kailangan na ang pagbabago sa pamamahala sa pamamagitan ng pag-adapt sa Federal Form of Government na hindi kinopya sa ibang bansa.
Naniniwala si Pimentel na sa sandaling isagawa ang malawakang konsultasyon at pagpapaliwanag sa mga mamamayan ay matatanggap ng taumbayan ang Pederalismo.
Isinusulong ng kampo ng dating Senador ang Federalism sa paniniwalang ito ang solusyon sa pag-unlad ng bansa lalo’t matatanggal sa Imperial Metro Manila ang sentro ng kapangyarihan at ma-i-kakalat ito sa bawat rehiyon na itatalagang Federal Region.