Hindi makikipag giyera ang Pilipinas sa China sa isyu ng mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Inihayag ito ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, sabay giit na mas mabuting humanap na lamang ng mga paraan kung paano mapagbubuti ang relasyon ng Pilipinas sa China.
Binigyang-diin ni Esperon na malaki ang pakinabang sa ipinatutupad na independent foreign policy ni Pangulong Rodrigo Duterte at kasabay nito ay ang pagbuhos naman ng mga imprastrakturang popondohan ng china sa Pilipinas.
Kasabay nito, iginiit ni Esperon na mas mainam kung magiging kaibigan ng Pilipinas ang lahat ng bansa, kabilang ang China.
By: Meann Tanbio / Ralph Obina