Inihayag ng Center for Strategic and International Studies o CSIS na dapat i-akyat ng Pilipinas sa United Nations Security Council o UNSC ang isinampang kaso tungkol sa gusot sa West Philippine Sea.
Ito, ayon kay CSIS Senior Advisor Ernest Bower, ay kung hindi kikilalanin ng China ang magiging desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa usapin.
Giit ni Bower, tila gumagamit ng impluwensiya ang China sa mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN para hindi makagalaw laban sa mga aktibidad nito sa naturang rehiyon.
Aniya, mas maiging dalhin sa security council ng UN ang isyu upang maiwasan ang tensyon sa mga pinag-aagawang isla.
By Jelbert Perdez