Naniniwala ang isang maritime law expert na sa ngayon ay wala pang dapat gawin ang Pilipinas kaugnay ng posibleng resulta ng second round ng argumento sa The Netherlands.
Ito’y kasunod ng ulat na positibo ang pamahalaan sa usapin ng resulta ng tribunal jurisdiction sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Sa panayam ng DWIZ kay UP Institute of Maritime Affairs and Law of the Sea Director, Attorney Jay Batumbakal, na ang magagawa lamang ng Pilipinas ay maghintay sa resulta ngayong pinresinta na ng gobyerno ang mga katibayan ng claims nito sa nasabing teritoryo.
Sakaling pumabor aniya ang resulta sa Pilipinas, sinabi ni Batumbakal na ang legalidad ng claims ng Tsina sa nine-dash line jurisdisction nito ang higit na maaapektuhan.
Una nang sinabi ng Malacañang na ngayong araw posibleng lumabas ang resulta ng naturang argumento.
By Avee Devierte | Allan Francisco