Higit 200 medalya na ang nakukuha ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) games.
Patuloy ang pamamayagpag ng mga atletang Pilipino sa mga sports event ng SEA games.
Nasungkit ng Filipina skateboarder na si Christiana Nicole Means ang gintong medalya sa women’s park skating event gayundin ang national team para sa 4X100 meter mixed relay athletics event.
Muli namang nakagawa ng kasaysayan ang Pilipinas matapos ang performance ni Natalie Rose Uy sa women’s pole vault.
Ginto rin ang nakuha nina William Morrison III para naman sa men’s shot put event at Sarah Dequinan para sa women’s heptathlon.
Kabilang din ang Philippine men’s baseball team sa nakapag ambag ng gold medal, si Samuel Morrison sa taekwando 80kg event, at Dave Cea sa 74kg event
Silver medal naman ang nakuha ng Pilipinas sa dalawa pang taekwando event at sa women’s swimming team 4×100 medley relay.
Nakasungkit din ng medalya ang mga Filipino skaters para sa men’s downhill skatebording event.
As of 9:30 p.m. ngayong Disyembre 8, may kabuuang 283 medalya na ang nakukuha ng Pilipinas sa SEA Games.
110 dito ay ginto, 85 ang pilak, at 88 sa tansong medalya.
Inaasahang maghahakot pa ng medalya ang Pilipinas sa mga huling araw ng sea games.