Humakot ng gintong medalya ang Pilipinas sa katatapos lamang na 2022 Asian Kickboxing championships sa Bangkok Youth Center sa Thailand noong nakaraang linggo.
Nasungkit ng Cebu-based na si Jovan Medallo ang unang gintong medalya ng bansa sa kompetisyon ng senior men’s musical forms sa iskor na 28.8 points kung saan, kaniyang pinadapa ang silver medalist na si Hsuan Wu Chi ng Chinese-Taipei.
Bukod kay Medallo, nag-uwi din ng gold medal sina Jean Claude Saclag, Renalyn Dacquel, at Gina Iniong Araos habang ang Philippine contingent na binubuo ng 14 na kickboxer ay nag-uwi rin ng isang silver medal at anim na bronze medal.
Patunay lamang ito na kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa iba’t ibang mga bansa pagdating sa larangan ng pampalakasan.